Pag-unawa sa mga Row at Column
Ang mga row at column ay mga tool na magagamit mo upang gumawa ng naka-section na content.
Kapag nag-e-edit gamit ang Page Builder Sandwich mula sa isang bagong gawang page/post, ang content na ita-type mo ay ilalagay lahat sa iisang column. Maganda ito para sa pagsusulat ng mga blog post, ngunit kung nais mong magkaroon ng mga espesyal na layout para sa mga landing page o contact page, malamang na gugustuhin mo ang isang 2-column na layout o kahit kombinasyon ng iba’t ibang column sa buong page mo.
Maaari kang magdagdag ng mga row & column sa pamamagitan ng paggamit sa mga button na ito sa inspector:

Kapag naidagdag na, mamamarkahan ng outline ang iyong bagong row:

Maaari kang maglagay ng kahit ano sa loob ng iyong mga row at column – text, mga shortcode, mga widget, at maaari ka ring magdagdag ng higit pang mga row & column.
Kapag napili ang isang row (o isang content sa loob ng iyong row), magiging available ang higit pang mga opsyon sa iyong inspector. Magagamit mo ang mga button na ito upang higit pang i-style ang iyong seksyon:

Mayroon ding mga karagdagang opsyon para sa pag-style ng iyong mga column sa ibaba nito sa inspector.
Maaari mong ilipat ang mga row sa iba’t ibang lokasyon sa pamamagitan ng pag-click at pagdiin sa mismong row (kung magki-click at magdi-diin ka sa isang elemento sa loob nito, ang elemento ang mai-drag at hindi ang row).