Paano Gamitin ang Page Builder Sandwich

Paano Gamitin ang Page Builder Sandwich

Ang Page Builder Sandwich ay hindi tulad ng karaniwang page builder mo, hindi ito komplikado at simple lang gamitin.

Maaari mong panoorin ang video sa ibaba para sa isang mabilisang tour.

Nasaan ang Editor?

Una, gumawa ng bagong page, post o CPT. Pagkatapos ay bisitahin ang iyong bagong post o anumang umiiral na post sa iyong frontend. Ang PBS ay 100% frontend, hindi mo na kailangang magkalikot sa backend.

Dapat ay mayroong pindutan ng “Page Builder Sandwich” sa itaas ng iyong page (sa iyong admin bar), i-click iyon upang simulan ang pag-e-edit. Dapat mong makita ang text formatting area na lalabas mula sa itaas, at ang panel ng add elements na lalabas mula sa gilid. Ang content area ng iyong tema ay ang editor mo na ngayon!

Maaari mo lamang i-edit ang mga solong page gamit ang PBS. Hindi mo maaaring i-edit ang listahan ng mga blog post, o isang 404 page dahil ang mga iyon ay ginawa ng iyong tema. Ayos lang ang mga post, page, at custom post type.

Pag-edit sa Iyong Content

Ngayon narito ang kahanga-hangang bahagi.. kapag ikaw ay nasa frontend na at nasa loob ng editor, mag-click sa anumang teksto sa iyong content o mag-click sa loob ng iyong content area at magsimulang mag-type! Hindi tulad ng ibang mga page builder, pinapayagan ka ng PBS na direktang mag-edit ng content nang hindi na kailangang dumaan sa mga popup dialog box.

Pag-format sa Iyong Content / Pagpapaganda ng mga Bagay

dcb1615380 file 9OtagMFi2c

Habang nag-e-edit, ang bahagi sa itaas ay tinatawag na Text Formatting Bar. Naglalaman ang bar na ito ng lahat ng formatting tool na gagamitin mo sa pag-istilo ng teksto tulad ng: mga kulay, bold, italicize, alignment, pagdaragdag ng mga link, bullet, at iba pa. I-hover ang iyong mouse sa bawat pindutan upang malaman kung ano ang ginagawa ng tool.

Pagdaragdag ng mga Elemento

ecfd309bb2 file yDqiNEv73s

I-hover ang iyong mouse sa pindutang Add Elements sa itaas na kaliwang bahagi ng screen upang ipakita ang Add Element Panel. Maaari mo ring ilipat na lamang ang iyong mouse sa kaliwang bahagi ng screen upang lumitaw ito.

Upang maglagay ng anumang elemento, idiin ang iyong mouse sa isa, pagkatapos ay i-drag ito patungo sa iyong content area. Magiging naka-highlight ang lugar kung saan ilalagay ang elemento. Bitawan ang pindutan ng mouse upang mailagay ang elemento.

Pag-istilo at Pagbago ng mga Elemento

I-hover ang iyong mouse sa anumang elemento na mayroon ka sa iyong content at pagkatapos ay dapat lumitaw ang mga outline at toolbar sa ibabaw ng mga ito.

0046713cb7 file YU6nUCc7jYMaaari mong i-hover ang iyong mouse sa mga gilid ng mga outline upang dagdagan/bawasan ang mga margin sa pagitan ng mga elemento.

Maaari ka ring mag-click sa isang pindutan sa toolbar upang magsagawa ng mabilisang pagkilos sa elemento. Ang pag-click sa icon na gear sa toolbar ay maglalabas ng Properties Inspector na naglalaman ng higit pang mga opsyon.

5c220b4ac9 file Odem5RLPok

Ang Properties Inspector

3e7e48b754 file INy1v5z9Oz

Ang properties inspector ay nagbibigay sa iyo ng higit na kontrol sa hitsura ng iyong mga elemento. Maaari kang magdagdag ng maraming bagay tulad ng mga anino, animation, pagbabago ng mga kulay ng mapa, border radius, at marami pang iba.

Maaari mo ring i-access ang mga property ng parent ng elemento. Halimbawa, kung naglagay ka ng larawan sa loob ng isang column at binuksan ang properties inspector, maaari mong i-access ang mga property ng larawan, ng column kung saan ito naroroon, at ng row kung saan naroroon ang column.

Naglalaman ang properties inspector ng maraming iba’t ibang setting para sa iba’t ibang elemento, kaya siguraduhing tingnan ang lahat ng ito.

Paggamit ng mga Shortcode

Ipinapakita sa iyo ng Page Builder Sandwich ang mga aktuwal na shortcode sa frontend, at madali mo ring mae-edit ang mga ito! 

edee730340 file TqfWB9yv3y

Kung naisaulo mo ang iyong mga shortcode, maaari kang magpasok ng mga shortcode sa pamamagitan ng direktang pag-type sa mga ito sa iyong content. Ngunit kung hindi mo naman naisaulo ang lahat ng ito (sino bang gumagawa niyon?), inililista ng inspector ang lahat ng mga shortcode na available sa iyong site. Mag-drag ng pindutang Shortcode mula sa inspector patungo sa iyong content area at hanapin ang gusto mong ipasok, i-click iyon upang maipasok ito.

Nare-render ang mga shortcode bilang aktuwal na content sa frontend, upang i-edit ang mga ito, maaari mo itong piliin at tingnan ang kanilang mga attribute sa inspector. O para sa higit na kontrol, maaari mong i-double click ang shortcode upang i-edit ito sa raw nitong anyo. Pagkatapos maisagawa ang iyong mga pag-edit, mag-a-update ang iyong shortcode upang ipakita ang mga pagbabago.

Muling Pag-aayos ng Iyong Content

Maaari mong i-click at i-drag ang anuman at ilipat ang mga ito kahit saan gamit ang PBS. Kapag nag-drag ka ng isang bagay, ilipat ito sa ibabaw ng isa pang elemento sa page, maaari mo itong ilagay sa itaas o sa ibaba ng anumang iba pang content.

Pag-save sa Iyong Trabaho

ae0cf6f413 file

Kapag nasiyahan ka na sa iyong disenyo, i-click lamang ang save button sa itaas na kaliwang bahagi ng iyong page. ‘Yun lang!